haiz.. hirap ng ganito! lagi na lang ako nag-iisip, nagmumuni-muni habang nakahiga sa aking kama at nagsosolo sa aking kwarto. Lagi na lamang ako napapaisip kung bat may pagkakataong may isa kang taong ngayon mo na nga lang nakilala pero agad na mang mawawala sa piling mo. marahil sadyang ganoon lamang ang buhay, di mo dapat hayaang mahulog ang loob mo sa kanya, dyan sa taong ngayon lang dumating sa buhay mo at pilit binubuksan ang sarado mo nang puso, dahil sa bandang huli ikaw ang aasa at hahabo-habol sa kanya.
sa tingin mo ako lang bah ang nagkamali?! o pati sya na syang naging dahilan kung bakit ako nagkaganito. oo aaminin ko nah sadyang mabilis nahulog ang loob ko sa kanya pero d ko lang talga naiwasang bumukas ang nakapinid na pinto ng aking puso sa isang tao na nagparamdam nung una ng pagmamahal.
wala na kaming communications ngayon, kung magkita man kami ay napakatumal. minsan nga eh! d pa kami ganon nagpapaminsinan kapag nagkakasalubong kami sa daan. Haiz... as i expected ganon na nga ang kalalabasan ng sitwasyong ito.
gusto ko lang sana na malaman nya na minsan ay pinahalagahan ko sya at aking itatago ang magagandang ala-alang pinagsaluhan naming dalawa. kahit papano naging buo ang aking pagkatao, ang aking mundo, ang aking puso, ang aking damdamin, ang kabuuan ng aking sarili. yun nga lang ito ay sa una lamang dahil tulad ng salamin, nabasag muli ang aking katauhan, biniyayan ngunit problema ang natanggap!!! sa tingin mo mabuo pa kaya ito?!
bakit kaya masaklap lagi ang aking buhay pag-ibig? wala na ba akong karapatang lumigiya sa taong gusto kong makapiling? kaylan kaya darating yung pagkakataong may isang taong bubuo at kukumpletuhin ang mga kulang na bahagi ng aking puso na animoy isang "puzzle"? kaylan? kaylan?!
***ang aking tugon - walang kasagutan***
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment